Merito ng kasong isinampa ng Pilipinas kontra China hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, didinggin na ng UN Arbitral Tribunal

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 3524

WESTPHLSEA
Itinakda sa November 24 hanggang 30 ng United Nations Arbitral Tribunal ang pagdinig sa merito ng kasong isinampa ng Pilipinas sa China hinggil sa maritime dispute sa West Philippine Sea

Ito ay matapos na maglabas ng desisyon ang tribunal noong October 30 na nagsasabing may jurisdiction ito sa kaso at admissible ang claims na iprenisenta ng Pilipinas

Pito sa 15 mga claims ng Pilipinas ang reresolbahin ng tribunal
Kabilang dito ang pagresolba sa isyu ng maritime entitlements ng Scarborough Shoal, Mischief Reef, Second Thomas Shoal, Subi reef, Gaven Reef, Mc Kennan Reef at iba pa
Maging ang isyu ng pagharang ng China sa mga nangingisdang mga Pilipino ay tatalakayin sa tribunal

Ayon sa tribunal, hindi makaka apekto sa jurisdiction nito sa kaso ang patuloy na pagtanggi ng China na sumali sa pagtalakay dito batay na rin sa isinasaad nang probisyon sa annex 7 ng convention

Sinabi rin ng tribunal na hindi pang aabuso sa UNCLOS ang ginawang pagdulog ng Pilipinas sa kaso kahit tumatanggi China

Pagkatapos ng pagdinig, apat hanggang anim na buwan pa ang hihintayin bago mailabas ang desisyon

Ayon kay Justice Carpio, posibleng maglabas ng ruling ang tribunal bago o pagkatapos ng halalan sa susunod na taon.

Tags: ,