Meralco, nagsimula nang mag-inspeksyon sa mga paaralan upang tiyaking sumusunod sa electrical safety standard

by Radyo La Verdad | May 25, 2015 (Monday) | 2417

ELECTICAL SAFETY
Sinimulan na ng Meralco ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga paaralan bago ang pasukan ngayong Hunyo.

Ito ay upang tiyakin na sumusunod ang mga ito sa electrical safety standards para sa kaligtasan na rin ng mga mag-aaral

Ayon kay Meralco One Foundation President Jeff Tarayao, bukod sa inspeksyon, sa ilalim din ng programang ito, isinusulong ng Meralco sa mga school community ang kahalagahan at kaalaman kaugnay ng electrical safety.

Dito, inoorient ng Meralco ang mga school official kaugnay ng ligtas at tamang paggamit ng kuryente.

Sa programang ito tinuturo ng Meralco sa mga school community kung paano makita at masolusyunan kung may mga problema pagdating sa kuryente sa mga paaralan.

Ngayong taon target Meralco na makapag-inspeksyon ng nasa 150 na pambulikong paaralan sa buong Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at ilang bahagi ng Pampanga, Laguna at Quezon Province. ( Darlene Basingan /UNTV News)

Tags: