METRO MANILA – Mabawasan ng P15 sa bill ng Meralco ang isang residential household na kumokunsumo ng 200 kilowatt hours sa 1 buwan.
P22 naman kapag 300 killowatt-hours ang consumption, P29 sa 400 killowatt-hours, at nasa P37 kapag 500 kilowatt-hours,
Ayon kay Joe Zaldarriaga, Spokesperson ng Meralco, ang bawas singil ay kasunod ng pagbaba ng feed-in-tarrif allowance ngayong Oktubre at pagbaba ng generation charge noong Setyembre.
Ngunit ayon naman sa ilang mga consumer ng Meralco, maliit ang magiging bawas singil sa kuryente at hindi pa nila ito gaanong mararamdaman.
Samantala, ipinaliwanag naman ng Energy Regulatory Commision ang mga dahilan kung bakit nila ni-reject ang petisyon ng San Miguel Corporation (SMC) at Meralco para sa pagtaas ng singil sa kuryente.
Ayon kay ERC Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta, mayroon pa kasing fixed price contract ang 2 kumpanya kung saan nakasaad na hindi sila magbabago ng singil sa kuryente sa loob ng 10 taon.
Hindi rin ma-verify umano ng ERC ang isinumiteng unaudited financial report ng 2 kumpanya para patunayang mayroong pagkalugi sa naging kasunduan.
Ayon naman sa Meralco, sa kabila ng naging desisyon ng ERC, nakahanda pa rin namang ipagpatuloy ng SMC ang pagsusupply ng kuryente na nakabatay sa kontrata
(JP Nuñez | UNTV News)
Tags: Bawas SIngil, Meralco