Menor de edad na sugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Quezon City tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 19, 2016 (Tuesday) | 3532

TMBB-QUEZON-CITY
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan sa pagitan ng motorsiklo at tricycle sa Napocor Village sa Bgry. Tandang Sora sa Quezon City, dakong alas onse kwarenta y singko ng kagabi

Sugatan sa aksidente ang 16-anyos na driver ng motorsiklo na kinilalang si Joshua Casipit.

Nadatnan pa ito ng grupo na nakahiga sa daan at iniinda ang tinamong galos sa tuhod at kanang bahagi ng mata

Nagtamo din ito ng bali sa kanang braso

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong pinsala ng biktima

Tinawagan din ng grupo ang pamilya upang ipagbigay alam ang pangyayari

Agad naman itong dumating sa pinangyarihan ng aksidente at sumama sa pagdadala ng UNTV News and Rescue Team sa biktima sa Quezon City General Hospital.

Sa kwento ng tricycle driver na si Romeo David nakasalubong niya ang dalawang motorsiklo na tila nagkakarera sa lugar

Dahil sa tulin ng takbo ng mga ito, kinain ng isang nakamotor ang kabilang lane kaya sumalpok sa kanyang minamanehong motorsiklo

Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi ang harapang gulong ng motorsiklo at tumalsik ang biktima.

Wala namang tinamong pinsala si David.

(Reynante Ponte/UNTV News)

Tags: ,