Mekeni Food Corporation, nagpatupad ng voluntary recall sa kanilang pork products

by Erika Endraca | October 28, 2019 (Monday) | 1878

METRO MANILA, Philippines – Boluntaryong ni-recall ng Mekeni Food Corporation ang lahat ng kanilang produktong may sangkap na karneng baboy epektibo noong Sabado October 26, 2019.

Base sa official statement ng Mekeni Food Corporation nakikipagtulungan na rin sila sa product testing na kasalukuyang isinasagawa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI).

Nagpasya umano silang magpatupad ng recall para mabawasan ang posibilidad na maging carrier ng African swine Fever (ASF) ang kanilang mga produkto.

Samantala binigyang diin ng kumpanya na ligtas pa rin ang kanilang mga produkto dahil una na umanong sinabi ng Health at Agriculture Department na walang banta sa kalusugan ng tao ang ASF.

Noong nakaraang linggo kinumpirma ng  DA na positibo sa ASF ang mga naharang na processed food sa Mindoro, pero tumanggi ang ahensya na sabihin ang pangalan ng naturang produkto.

(Leslie Huidem | UNTV News)

Tags: