Isinumite nang Cardinal Santos Medical Center sa Sandiganbayan ang resulta ng executive medical check-up ni Senator Jinggoy Estrada mula ika-lima hanggang ika-pito ng Agosto ngayong taon.
Nakasaad sa report na may cortical cysts, mild prostate enlargment, esophagitis, erosive gastropathy at mild coronary artery disease ang Senador matapos sumailalim sa ultrasound at upper gastrointestinal endoscopy
Normal naman ang resulta ng kanyang blood chemistry, magnetic resonance imaging, chest ct scan, x-ray at iba pa.
Inirekomenda naman ng Cardinal Santos Hospital na mag exercise si Estrada, imantine ang low calorie diet at tumigil na sa paninigarilyo.
Una ng naghain ng mosyon si Estrada sa Sandiganbayan na humihiling na masailalim sa complete medical check up dahil sa madalas na sumpong ng kanyangacid reflux at lightheadedness.
Sa ngayon ay nakahospital arrest pa si Sen. Enrile sa PNP General Hospital at hindi ito maaaring makalabas ano mang oras hanggat walang utos ng korte. (Joyce Balancio/ UNTV News)
Tags: Cardinal Santos Medical Center, Senator Jinggoy Estrada