Medical frontliners, mga bagong bayani ng ating henerasyon – Malacañang

by Radyo La Verdad | March 22, 2020 (Sunday) | 4010

Nagpapasalamat ang Palasyo ng Malacañang sa mga health worker  na patuloy na nagseserbsiyo sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 at maging sa mga Filipino scientist at researcher na tumutulong para makalikha ang bansa ng sariling COVID-19 test kits.

Ang mga ito ang bagong bayani ng ating henerasyon, ayon kay Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

Ayon kay Sec. Panelo, hindi matatawaran ang dedikasyon ng mga doktor, nurse, at hospital staff na patuloy na nagsisilbi sa kabila ng malaking panganib na nakaamba sa kanila.

Sinabi rin ng opisyal na ibibigay ng pamahalaan ang lahat ng suportang kailangan ng mga medical frontliner upang makapagpatuloy sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Tags: , ,