Iginiit ng Malakanyang na nananatiling maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte at katunayan umano nito ay mga ginagawa ng pangulo at lagpas sa eight-working hours na schedule nito.
Madalas din ang mga paglalakbay ni Pangulong Duterte sa loob at labas ng bansa.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag kasunod ng panawagang maglabas ng regular medical bulletin ang Office of the President.
Ang pangulo na rin mismo ang naghahayag ng kondisyon ng kaniyang kalusugan gaya ng pagkakaroon nito ng spinal issues at pag-inom ng gamot na para sa cancer patients.
Normal din aniya ang dinadanas ng pangulo ngayon base sa kaniyang edad.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: hindi na kailangan, Malacañang, Medical bulletin sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte