Medical at relief operations, naging maagap sa isinagawang Metro Wide Shake Drill

by Radyo La Verdad | July 30, 2015 (Thursday) | 4551

05 MEDICAL
Napuno ng mga rescue unit at kunwaring biktima ng lindol ang isang open area sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC sa isinagawang shake drill kaninang umaga.

Ang VMMC ang magiging sentro ng Northern Quadrant na kinabibilangan ng Quezon City, Caloocan, Valenzuela, San Juan at Mandaluyong.

Dito ilalagay ang command center para sa relief operation at evacuation.

Ang isang parking area ay ginawang incident command post kung saan isinagawa ang medical triage scenario.

Dito isasagawa ang assessment sa mga pasyente na nasugatan matapos ang kunwari’y magnitude 7.2 na lindol.

May mga nabagsakan ng bagay, nabalian at ibat-iba pang injury na tinamo dahil sa lindol.

Ayon sa Phivolcs kung saka-sakali na tatama ang magnitude 7.2 na lindol ay maaaring magiwan ito ng mahigit sa 113k na injured kaya’t dapat paghandaan ng pamahalaan ang ganitong sinaryo

Sa initial assessment ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa shake drill nasa 8 out of 10 na ang coordination at response ng mga ahensya ng pamahalaan kung sa umaga mangyayari ang lindol.

Kasama rin sa drill ang UNTV Fire Brigade at News and Rescue Team.

Gagamitin naman ng MMDA ang kuha ng UNTV Drone para sa kabuoang assessment ng shake drill.

Tags: , , ,