“Media Security Vanguards”, inilunsad para sa kaligtasan ng mga mamamahayag ngayong eleksyon

by Radyo La Verdad | January 26, 2022 (Wednesday) | 4608

METRO MANILA – Inilunsad ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) nitong Biyernes (January 21) ang “Media Security Vanguards” na binubuo ng 2,000 pulis na nakatalagang pangalagaan ang seguridad ng mga journalist sa panahon ng eleksyon.

Mariing ipinunto ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na may sagradong tungkulin ang media sa ating bansa na dapat magampanan ng walang halong pangamba, pagkatakot at karahasan mula sa kanino man.

Sa patuloy na mga naitatalang karahasan kaugnay sa nalalapit na halalan, tiniyak ni Año na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang pangalagaan ang kalayaan sa pamamahayag.

Dagdag pa nito na ang mga journalist ang mata at tainga ng publiko sa panahon ng eleksyon kung kaya’t mahalaga na maproteksyonan ang mga ito upang hindi na muling maulit ang nangyaring Maguindanao Massacre noong 2009.

(Jasha Gamao | La Verdad Correspondent)

Tags: ,