Measles outbreak, idineklara sa Zamboanga City

by Radyo La Verdad | February 14, 2018 (Wednesday) | 2743

Mahigit sa isang daang kaso na ng dinapuan ng tigdas ang naitala ng Zamboanga City Health Office at pinangangambahang tataas pa. Karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay ang mga bata. Dahil dito, nagdeklara na ng measles outbreak ang lokal na pamahalaan.

Ayon kay city Health Officer Dr. Dulce Amor Miravite, pangunahing dahilan ng pagtaas ng kaso ay hindi ang hindi pagpapabakuna sa mga bata.

Dahil sa airborne ang tigdas ay mabilis ang pagkalat nito ngunit kung may bakuna lang aniya ang mga bata ay maiiwasan sanang mahawa ang mga ito.

Kaugnay nito, sa susunod na linggo ay magsasagawa ng massive vaccination o immunization ang Health Office.

Target na mabakunahanang mahigit sa 121,000 bata na may edad na limang buwan hanggang limang taon. Pero, ayon naman sa ilang mga magulang takot na silang pabakunahan ang kanilang mga anak matapos pumutok ang isyu ng Dengvaxia vaccines. Hindi naman pipilitin ng ilang paaralan ang mga mag-aaral na magpabakuna.

Sa kabila nito, payo ng Health Office, maigi pa ring magkaroon ng bakuna ang mga bata upang makaiwassa sakit.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,