Binuksan na sa publiko ang Cabancalan bulk water supply sa Mandaue City, Cebu na magbibigay ng karagdagang water supply sa metropolitan Cebu Water District.
Magsusupply ang Abejo Waters Corporation ng 6,000 cubic meters kada araw na malaking tulong para sa consumers ng MCWD lalo na ngayong hindi pa lubusang nakakabawi sa tag-init.
Mula sa 190 hanggang 195, 000 cubic meters kada araw na supply na tubig ng mcwd, aabot na ito sa 200, 000 cubic meters kada araw dahil sa additional bulk water supply.
Sa ngayon ay mayroon ng 170, 000 service connections ang MCWD at patuloy pa ring tumatanggap ng mga konsumidor sa mga lugar na kaya nitong supplyan.
Ayon kay Engineer Noel Dalena, acting General Manager ng MCWD, patuloy pa rin ang programa nila sa paghahanap ng water sources.
Samantala, tatanggap naman ng 2 to 3 % percent share ang pamahalaan ng Mandaue City na magagamit sa mga panibagong proyektong gagawin sa syudad.
(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)
Tags: bulk water supply, MCWD