METRO MANILA – Bago matapos ang 2020 ay sinabi ng na United Nations’ World Food Program na maaaring makaranas ng gutom ang nasa 270-M pamilya sa buong mundo dahil sa pandemya.
Halos triple ito sa bilang ng populasyon ng Pilipinas.
Ayon DSWD-NCR Director Vicente Tomas, problema din sa ibang lugar sa Pilipinas ang mapagkukunan ng pagkain.
Hirap na makakilos ang iba dahil sa mga ipinatutupad na lockdown o mas mahigpit na quarantine.
Sa layuning matulungan ang mga kapus-palad, inilunsad kahapon ng Members Church of God International (MCGI) ang isang global feeding program.
Kaisa ng MCGI sa programang ito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)
“Instructions ito ng ating mahal na pangulo na katuwang ang ibang mga partner agencies na talagang mag reach-out. Kaya nga kami ay nagpapasalamat dahil inspite of the risk, nandyan po kayo tumutulong sa amin” ani DSWD-NCR Director, Dir. Vicente Gregorio Tomas.
Bilang pag-iingat, mahigpit na ipinatupad ang health protocols sa pagsasagawa ng feeding program.
Kabilang din sa mga napaglingkuran ang 150 residente gayundin ang lumber hardware workers na naka-lockdown sa Barangay Balingasa, Quezon City
Umaasa naman ang mga opisyal ng barangay na tutularan umano ng ibang grupo o organisasyon ang programang ito.
Ayon sa MCGI, tuloy-tuloy ang feeding program na ito para mas maraming mga kapwa pa natin ang maabot lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“Ang atin pong buhay ay hindi naman natin dapat na sa sarili lang natin iuukol. Kundi dapat din nating alalahanin yung kautusan ng panginoon na meron tayong kapya taong dapat lingapin, dapat tulungan kung nangangailangan” ani MCGI Representative, Bro. Danny Navales.
Batay sa tala ng MCGI kagabi, umabot na sa halos 118,000 ang benepisyaryo ng feeding program sa Pilipinas pa lamang.
Isa lamang ito sa mga serbisyo publikong hatid ng grupo.
Noong March 14, isinagawa ang global launch ng MCGI free store sa layuning makapag-abot ng tulong sa mga kapuwa nangangailangan.
(Dante Amento | UNTV News)
Tags: MCGI Feeding Program