MCGI, ginawaran ng gold award sa Singapore

by Radyo La Verdad | July 31, 2018 (Tuesday) | 3552

Isang sangay ng National Trades Union Congress (NTUC) ang NTUC Health na nagbibigay ng de kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan at nag-aalaga sa mga katandaan sa Singapore.

Mahigit sa tatlong dekada na ang NTUC Health at isa sila sa may pinakamalaking kontribusyon sa maayos na sistema ng pangangalaga sa mga senior citizen sa Singapore.

Isa sa mga pasilidad ng NTUC Health ay ang Senior Activity Center na kilala rin sa tawag na SilverACE. Ito ay lugar kung saan nagkikita-kita ang mga matatanda sa isang community at makapagbigay ng mutual support sa isa’t-isa.

Dito rin nagsasagawa ng social at recreational activities ang NTUC Health para sa mga senior citizen katuwang ang ilang organisasyon.

Isa ang Members Church of God International (MCGI) sa Singapore sa mga aktibong katuwang ng NTUC Health.

Dalawang beses kada buwan bumibisita ang MCGI volunteers sa mga centers upang magbigay kasiyahan at mapakain ang mga matatanda.

Dahil sa laging pakikiisa sa mga programa ng organisasyon, muling ginawaran ng gold award ng NTUC Health ang MCGI.

Sa tuwing bibisita ang MCGI volunteers sa mga eldercare facilities ay hindi matatawaran ang tuwa ng mga elderlies. Masaya silang nakikiawit at nakikisayaw sa mga volunteers at aktibo ring sumasali sa mga palaro at arts & crafts activities.

Minsan na ring binisita ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon ang isa sa mga senior activity centers.

Habang patuloy ang NTUC Health sa pagpapalawig ng kanilang serbisyo sa mga katandaan ng Singapore, patuloy naman ang MCGI sa pakikipagtulungan sa komunidad upang makapagbigay lugod hindi lamang sa mga katandaan kundi sa bawat isa na nangangailang ng tulong.

 

( Maila Guevarra / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,