Mayorya ng mga Pilipino, suportado ang war on drugs ng pamahalaan – SWS survey

by Radyo La Verdad | October 17, 2017 (Tuesday) | 3676

Halos siyam sa bawat sampung Pilipino ang sumusuporta sa kampanya ng pamahalaan kontra droga.

Batay ito sa bagong pulse ASIA survey kung saan walumpu’t walong porsyento ng 1,200 indibidwal o respondents na kinapanayam nito sa buong bansa ang pabor sa anti-drug war ng Duterte administration.

Dalawang porsyento lang ang tumututol dito samantalang ang nalalabing porsyento naman ay hindi makapagdesisyon.

Isinagawa ang survey noong September 24 hanggang 30 2017. Ngunit kahit marami ang sumusuporta rito, marami din ang naniniwalang may nangyayaring extrajudicial killings o EJK sa pagpapatupad nito.

Mula sa 67 percent noong June 2017, tumaas ito sa 73 porsyento nitong Setyembre.

Marami ring Pilpino ang may kamalayan sa kaso ng menor de edad na si Kian delos Santos na nasawi sa kwestyonableng anti-illegal drug operation ng Caloocan police noong August 16.

76 na porsyento rin ang nangangamba sa posibilidad na mangyari sa kanila o sa kanilang kamag-anak ang nangyari kay Kian dahil sa anti-drug war.

Naniniwala naman ang Malakanyang na dahil sa massive media coverage teenage killings ang mga suspetsa ng respondents hinggil sa EJKs at dapat anitong i-validate at imbestigahan ng PNP Internal Affairs Service at NBI.

Hindi naman itinanggi ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na may namamatay sa anti-drug war ngunit hindi lahat ay dapat ituring na EJK.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,