Nagbitiw ng maaangahang na salita si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio laban kay House Speaker Pantaleon Alvarez sa ilan sa kanyang mga post sa social media.
Ikinagalit ng alkalde ang pagtawag umano sa kaniya ni Alvarez na oposisyon dahil sa kaniyang binuong bagong political party na Hugpong ng Pagbabago o HNP.
Binuweltahan din ng alkalde ang umano’y naging pahayag ni Alvarez na kaya nitong ipa-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang post ni Mayor Durterte, sinabi nito na panahon na para ipaalam sa Pangulo ang mga ginagawa ni Alvarez. Nag-ugat ang isyu nang unang tanungin si Alvarez kahapon hinggil sa pagbuo ni Mayor Sara ng isang bagong political party.
Sa text message na ipinadala ni Speaker Alvarez, itinanggi nito ang lahat ng mga akusasyon ni Mayor Duterte. Sa official statement na nilabas ni Mayor Inday kahapon bilang chairperson ng Hugpong Pagbabago, sinabi nito na may basbas ng Pangulo ang pagbuo ng political party.
Una na rin daw sinabi ni Mayor Sara sa Pangulo na hindi siya sasali sa PDP-Laban.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com