Mayor Sara Duterte, malabong tumakbo sa ilalim ng PDP-Laban

by Radyo La Verdad | November 11, 2021 (Thursday) | 14829

METRO MANILA – Naniniwala si Albay 2nd District Representative Joey Salceda na posibleng tumakbo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang pangulo sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats.

“Ayaw niya nga may gulo pa kasi sa Comelec ang PDP, kaya obviously hindi siya dun tatakbo” ani Albay 2nd District Representative Joey Salceda.

Naging basehan ni Salceda ay ang kaniyang pakikipagusap mismo kay Mayor Sara ilang oras bago ito mag-withdraw ng kandidatura sa Davao City.

Ang tanging malinaw sa kaniya, tatakbo bilang pangulo ang alkalde sa 2022 elections.

Ayon pa kay Salceda na malapit na kaibigan ng presidential daughter, noon pa man nais na ng alkade na tumakbo bilang pangulo,

Ngunit may naging hadlang kaya hindi natuloy ang paghahain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC).

“She wanted, that shows unyielding towards that purpose, there were hurdles put on her way so she wanted to run on her own term so may mga conditionality so whatsoever so ngayon wala na yun I dont think that it seems it were her terms that’s why she did not file on the 1st day” ani Albay 2nd District Representative Joey Salceda.

Tumanggi nang idetalye pa ng mambabatas ang umano’y naging hadlang noon sa pagtakbo ng alkalde sa presidential race.

Pinabulaanan rin ni Salceda na ginagaya ni mayor sara ang kaniyang ama na si pangulong duterte noong 2016 na naituring na “last minute candidate”.

Ayon kay Salceda, abangan na lamang ang anunsyo ng alkalde ukol sa kaniyang political plans bago sumapit ang November 15 na deadline ng substitution ng kakandidato sa halalan.

Mahigpit namang babantayan ng PDP-Laban Cusi wing ang susunod na desisyon ni Mayor Sara.

Ngunit anuman aniya ang magiging desisyon nito, ay tiyak na makakaapekto ito sa kasalukuyang political landscape.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,