Mayor Sara Duterte-Carpio, posibleng i-adopt ng PDP Laban bilang Presidential candidate

by Erika Endraca | July 15, 2021 (Thursday) | 4771

METRO MANILA – Naniniwala ang Provincial Chairman ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan na si Eastern Samar Governor Ben Evardone na susundin ng mayorya ng mga nasa partido kung sino ang ieendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkapangulo sa 2022 elections.

“Posible yan kapag sinabi ng pangulo ang kandidato ko ay si mayor sara karamihan sa mga partymates palagay ko susunod sa pangulo” ani PDP Laban party Provincial chairman, Gov. Ben Evardone.

Ayon kay Evardone, ito ay kahit pa ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte na taga-hugpong ng pagbabago.

“Pwede sabihin na iadopt namin si Mayor Sara as the candidate namin (na ayaw man niya on hindi?) Ayaw man niya o hindi” ani PDP Laban party Provincial chairman, Gov. Ben Evardone.

Ngunit sa naging pahayag mula sa 2 paksyon ng PDP Laban, hindi nila prayoridad na humanap ng kandidato sa pagkapangulo na hindi mula sa partido.

Hindi po outside eh. May mga hindi makaintay gusto candidate kaagad. It will take a long process para pag-isipan.

Ayon naman kay anthony del rosario, secretary general ng hnp, kung tutuloy man si mayor sara sa pagsabak sa presidential elections, hindi ito sasali sa ibang partido.

Dagdag pa ni Del Rosario, bagamat wala pang desisyon sa ngayon ang alkalde, malaking tulong sa kanyang pagdedesisyon ang pangunguna sa presidential survey.
Samantala, ayon kay governor Evardone, may partial list na si Pangulong Duterte ng maaaring iendorso niya sa pagka-senador.

(Maribojoc | UNTV News)

Tags: