Maynilad, nagpaliwanag sa biglaang water service interruptions

by Radyo La Verdad | August 25, 2022 (Thursday) | 5919

METRO MANILA – Nakatanggap ng maraming reklamo ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga customer ng Maynilad, hindi umano nila alam na mawawalan sila ng tubig.

Ang impormasyong nakuha ng MWSS ay nag-text blast naman ang Maynilad pero dapat din daw ay i-post ito sa lahat ng social media account ng kumpanya dahil hindi naman lahat ay naka subscribe sa text messaging.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty , tumugon naman agad dito ang Maynilad pero ang gusto pa nilang malaman ay kung bakit kailangang magpatupad ng water interruption.

Pahayag ng Maynilad, nagpatupad sila ng water service interruption sa gabi para hindi kapusin sa araw o during peak hours.

Ayon sa MWSS kapag hindi sila kumbinsido sa paliwanag ng Maynilad ay maaari nilang utusan ito na magbigay ng rebate sa mga apektadong customer gaya ng nangyari kamakailan lang.

Ang isa sa maaaring matanggap na dahilan sa pagpapatupad ng water interruption ay ang kakulangan ng supply ng tubig o kung naapektuhan ito ng kalamidad.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,