May-ari ng Valisno bus, hindi nagpakita sa hearing sa LTFRB

by Radyo La Verdad | August 18, 2015 (Tuesday) | 2590

LTFRB
Stress at apektado ang kalusugan-ito ang dahilan ng abugado ni Mrs. Rosalinda Valisno, may-ari ng kumpanyang Valisno Express nang kwestiyunin ng LTFRB kung bakit hindi nakadalo sa unang pagdinig kaugnay ng aksidente noong Miyerkules.

Dahil dito nagbigay ng show cause order si LTFRB Chairman Winston Ginez na kung hindi makapagbibigay ng medical certificate at hindi muling makakasipot sa susunod na pagdinig sa August 25 ay maaari na itong ipaaresto.

Pinadadalo rin sa hearing ang driver ng naaksidenteng bus na si George Pacis.

Samantala, sa pagdinig lumabas na iba ang operator na nakasulat sa body o katawan ng mga bus.

Dagdag pa rito, March 2014 pa ang huling isinagawang drug testing sa mga bus driver ng Valisno at wala ring isinagawang random

Tatlong unit din nito ang napag-alamang bumibyahe kahit hindi rehistrado sa Land Transportation Office kabilang na ang naaksidenteng bus.

Isinumite na rin ng Valisno Express ang 49 na mga plaka ng kanilang bus.

Natuklasan ding maraming traffic violations ang Valisno at ilang unit na rin ang na-impound hindi lang ng MMDA kundi maging ng locale government units.

Sa hearing, kwestiyonable rin ang idineklarang kita ng Valisno Bus Company na 42 libo kada taon samantalang mayroon itong mahigit sa 50 bus

Apat ang nasawi samantalang 30 naman ang sugatan nang sumalpok ang isang Valisno Bus sa isang arko sa boundary ng Quezon at Caloocan City noong Miyerkules nang umaga. ( Rosalie Coz/ UNTV News)

Tags: , ,