Hinatulan ng korte ang isang may-ari ng kumpanya dahil sa hindi pagbabayad ng SSS contribution ng mga empleyado nito.
Sinentensyahan ng San Fernando City Regional Trial Court sa La Union ng hanggang 20 taong pagkakakulong si Fred Ventura, operations manager ng Guardsman Security Agency and Detection Group, dahil sa hindi pagbabayad sa social security contributions ng kaniyang mga security guard.
Sa 13-pahinang desisyon na ipinalabas ni Presiding Judge Victor O. Concepcion ng La Union RTC Branch 66 noong ika-15 ng Enero, napatunayang nilabag ni Ventura ang Social Security Act of 1997 dahil sa pagkakaltas ng sweldo sa kanyang mga security guard pero hindi naman ito inire-remit sa SSS.
Tags: conviction, social security, Social Security Act of 1997, SSS, SSS case
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com