Maximum funeral benefit ng SSS, itinaas sa P60K para sa mga aktibong miyembro

by Radyo La Verdad | October 26, 2023 (Thursday) | 10110

METRO MANILA – Tinaasan ng Social Security System (SSS) ang maximum amount ng funeral benefits sa P60,000 bilang insentibo sa mga aktibong miyembro.

Ayon sa SSS, sinimulan ang pagpapatupad sa enhanced guidelines sa SSS funeral burial benefit program nitong October 20, 2023.

Sa bagong patakaran, ang claimants ng pumanaw na miyembro ng SSS na may 36 months contribution o higit pa ay maaaring makatanggap ng P20,000 hanggang P60,000 na SSS funeral benefits.

Ang mga miyembro naman na nakapaghulog lang ng 1 buwan o hindi umabot sa 36 monthly contributions sa pahahon ng pagpanaw ay makatatanggap ng P12,000 fixed funeral benefits.

Ilan sa sakop ng enhanced funeral benefit ang embalming services, burial transfer services, funeral services at cremation o interment services.

Tags: ,

Calamity Loan para sa OFWs na naapektuhan ng lindol sa Taiwan, inihahanda ng SSS

by Radyo La Verdad | April 5, 2024 (Friday) | 12106

METRO MANILA – Inihahanda na ng Social Security System (SSS) ang Calamity Loan Assistance Program na maaring i-avail ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng malakas na lindol sa Taiwan.

Ito ay para sa mga OFW na pawang mga miyembro ng SSS.

Ayon kay SSS President and CEO Rolando Macasaet, ito ang unang pagkakataon na kanilang ie-extend ang loan program para sa mga Filipino worker na biktima ng kalamidad sa ibang bansa.

Paliwanag ng SSS ang calamity loan ay kanila lamang ino-offer para sa mga miyembro na apektado ng kalamidad sa Pilipinas.

Sa datos ng SSS, mayroong nasa 10,000 OFWs na active members ang nagta-trabaho sa Taiwan.

Tags: , ,

13th month pay ng SSS pensioners, ibibigay na sa December 1 at 4

by Radyo La Verdad | November 16, 2023 (Thursday) | 13703

METRO MANILA – Ibibigay na ng Social Security System (SSS) sa darating na December 1 at December 4 ang 13th month pay ng mga pensyonado depende sa contingency dates ng pensioner.

Katumbas ito ng isang buwang pensyon.

Ayon sa SSS, aabot sa nasa 3 milyong mga pensyonado ang mabibigayan ng 13th month pay kabilang na ang retirement, disability at survivorship.

Bukod sa SSS, ipagkakaloob na rin ang cash gift sa mga retiradong kawani ng gobyerno na ibibigay sa unang Linggo ng Disyembre.

Katumbas naman ito ng nasa P10,000 o 1 buwang pensyon.

Nauna nang inianunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na matatanggap na simula kahapon (Nov. 15) ng mga kawani ng gobyerno ang year-end bonus na katumbas ng 1 buwang sweldo ng mangagawa.

Gayundin ang P5,000 cash gift para sa mga empleyadong kwalipikado na tumanggap nito.

Tags: ,

Calamity loan, alok ng SSS sa mga naapektuhan ng bagyong Egay

by Radyo La Verdad | August 16, 2023 (Wednesday) | 5504

METRO MANILA – May alok na hanggang P20,000 na calamity loan ang Social Security System (SSS) sa mga active members nito na naapektuhan ng bagyong Egay.

Kabilang sa mga kwalipikasyon para ma-avail ang loan, ay dapat nakapaghulog ng 36 contributions ang miyembro.

At dapat ang 6 sa mga contributions na ito, ay naihulog sa loob ng nakalipas na 12 buwan. Maaari ring maka-avail ang mga may existing loan.

Maaari namang makuha ng SSS pensioners ang advance na may halagang 3 buwan ng kanilang pensyon.

Tags: ,

More News