Matrix ng mga sangkot sa umanoý tangkang pagpapatalsik sa Pangulo, inilabas ng Malacañang

by Erika Endraca | April 23, 2019 (Tuesday) | 2413

Manila, Philippines – Nagpakita ng aniya’y matrix na galing mismo umano kay Pangulong Duterte sa press briefing ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Kung saan dinetalye nito ang intelligence report na galing daw sa isang kaalyadong bansa kaugnay sa planong destabilisasyon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa administrasyon.

Si Pangulong Duterte aniya mismo ang nagutos na ito ay ilabas sa publiko at validated na raw ito.

 “Hindi yan magiinstruct sa akin na i-release ko kung hindi niya na-validate” ani Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

Ayon sa malakanyang, karapatan ng publiko na malaman ang nasabing ouster plot.

 “There’s an ouster plan, then people should know about it (bakit po?) People have the right to know what’s happening in this government” pahayag ni Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

Batay sa kopya ng malakanyang ng umano’y matrix. May tatlong media organization, kabilang ang ilang mga journalist at isang makakaliwang grupo ang tumutulong umano kay alyas bikoy.

 “The source is bikoy, it was relayed to tordesillas, and tordesillas relayed to three groups na dinistribute naman nila”

Ayon kay Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

Si alyas bikoy ang nagbulgar sa isang social media site ng umanoy pagkasangkot ni presidential son paolo duterte at presidential daughter sara duterte at ilan pang malalapit kay pangulong dutere na sangkot umano sa ilegal na droga.

Dagdag pa ng palasyo, gawa-gawa lamang si alyas bikoy, bagamat hindi pa nila tinutukoy kung sino ang direktang nasa likod sa paggawa ng bidyo.

Wala pang plano ang malakanyang na gumawa ng legal na hakbang ukol sa naturang ouster plot.

Handa rin aniya ang palasyo sakaling magsampa ng reklamo sa korte laban sa administrasyon mula sa pagpapalabas ng matrix na ito. Sinusubukan pang kuhanin ng untv news team ang panig ng mga grupo at mga indibidwal na tinutukoy ng palasyo.

(Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: ,