Matrikula sa higit kumulang 400 eskwelahan sa bansa, planong itaas ngayong taon

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 2922

Inihayag ng National Union of Students of the Philippines o NUSP ang naka-ambang pagtataas sa tuition at iba pang school fees ng higit kumulang apat na raang unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Ayon sa NUSP, nagsumite na ng proposal ang mga ito sa Commission on Higher Education o CHED.

Sinabi naman ng CHED na magsasagawa pa sila ng konsultasyon hinggil sa bagay na ito.

Ngunit ayon sa NUSP, bogus ang mga konsultasyong ito dahil hindi lubos na nagbibigay ng impormasyon sa mga estudyante tungkol sa dagdag matrikula.

Tags: , ,