Nagsama-sama ang mga empleyado sa isang labor convention sa Central Luzon kaugnay ng pagdiriwang ng World Day for Safety and Health at Work.
Tema ngayong taon ang workplace stress: A collective challenge na layong talakayin ang matinding pressure sa trabaho at ma-protektahan ang mga manggagawa mula sa verbal abuse ng kanilang mga employer.
Bahagi rin ng pagdiriwang na kilalanin ang mga manggagawa sa Region 3, lalo na ang mga biktima ng work-related accidents.
Ayon sa DOLE, bawat taon ay nakakatanggap sila ng ulat mula sa mga kumpanya hinggil sa pagpapatupad ng labor policies upang matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: Matinding stress, trabaho at kaligtasan ng mga empleyado, World Day for Safety and Health at Work