Matinding polusyon sa mga waterway sa Phnom Penh, problema ng Cambodian Gov’t

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 4560
Mga basura sa Phnom Penh, Cambodia(REUTERS)
Mga basura sa Phnom Penh, Cambodia(REUTERS)

Matinding polusyon ang nararanasan ngayon sa mga pangunahing waterway sa Phnom Penh, Cambodia.

Sa isang drone shot na kuha ng Khmer Times, makikita ang maitim na tubig sa mga waterway at mga nakatambak na basura.

Ito ang pinagmumulan ng masangsang na amoy sa waterways na maaring magdulot ng sakit sa tao.

Ayon sa editor-in-chief ng Khmer Times, kakulangan sa imprastraktura at kaalaman ng mga tao at establishment owners sa health risks na dulot ng maruming sewerage at hindi maayos na waste disposal ang sanhi ng matinding polusyon sa mga waterways.

Tags: , , ,