Matinding bagsak ng snow, nakaapekto sa trapiko sa Tokyo

by Radyo La Verdad | January 23, 2018 (Tuesday) | 4332

Kasalukuyang makapal ang snow ngayon sa halos malaking parte ng Tokyo dahil sa snowfall.

Nagsimula ang tuloy-tuloy na pag-ulan ng snow kahapon ng umaga at dahil sa pagkapal ng snow ay hindi na pinapasok ang empleyado. Kinansela na rin ang ilang byahe ng train.

Inaasahang mas titindi pa ang snow dahil mayroong papalapit na low pressure area sa Honshu ayon sa Japanese Meteorological Agency.

Ang mga bumisita sa Tokyo galing sa mga probinsya ay posibleng maantala ang byahe, pero nangako naman ang mga otoridad na magseserbisyo ng maayos para sa ikalilligtas ng mga pasahero.

 

( Ryuji Sasaki / UNTV Correspondent )

Tags: , ,