Matataas na opisyal ng PNP, Inirekomenda ni Senator-elect “Bato” Dela Rosa bilang susunod na PNP Chief

by Radyo La Verdad | May 22, 2019 (Wednesday) | 24450

METRO MANILA, Philippines – Pinangalanan ni Senator-elect Ronald “Bato” Dela Rosa sa programang Get It Straight with Daniel Razon ang tatlong opisyal ng PNP na ii-endorso nya kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na pinuno ng pambansang pulisya.

Ayon kay Bato, una sa ii-endorso niya ang kaniyang mistah na si Deputy Chief PLTGen. Archie Gamboa na bihasa sa administrative matters at procurement. Pangalawa ay ang sinagtala Class 86 din na si Chief, Directorial Staff PLTGen. Camilo Cascolan na bihasa naman sa operations at maayos sa pamamalakad sa mga pulis.

Maaari rin naman aniya si NCRPO Director PMGen. Guillermo Eleazar mula sa PMA Hinirang Class of 1987 dahil sa maayos nitong pagta-trabaho.

Hindi rin naman ini-isangtabi ni Bato ang posibilidad na pumili ang pangulo sa hanay ng mga One Star General.

 “Baka may wild card si President na hugutin from 1 star, “ ayon kay Senator Ronald Dela Rosa.

Kung si PNP Chief PGen. Oscar Albayalde Naman ang Tatanungin, ayon sa kanya, “I think we have the same list naman as Gen. Bato Dela Rosa, sila naman ang medyo senior at sila ang next in line talaga, besides of course kay Gen. Eleazar na class 87 pero doon the performance naman nya, I think, he will do good also the same other two si Gen. Cascolan at si Gen. Gamboa.”

Tumanggi namang mag-komento si Gen. Eleazar, habang hindi nagbigay ng pahayag sina Gen. Cascolan at Gen. Gamboa nang hingan ng reaksyon ng UNTV.

Si Gen. Albayalde ay magre-retiro sa November 8, 2019 kasabay ng kanyang ika-56 na kaarawan.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: , ,