Matataas na opisyal ng DTI, sinampahan ng reklamo sa Ombudsman

by Radyo La Verdad | June 23, 2015 (Tuesday) | 1215

Coalition for Clean Air Advocates
Ipinasususpindi ng Coalition for Clean Air Advocates-Philippines sa Office of the Ombudsman sina Department of Trade and Industry Sec. Gregory Domingo at Under Secretary Vic Dimagiba.

Ayon sa Coaliton, ito ay sa dahilan mula ng maisabatas ang Clean Air Act labin anim na taon na ang nakakaraan ay hindi pa ipinapatupad ng DTI ang Sec. 21D nito o ang pagpapatupad ng National Motor Vehicle Maintenance Program.

Sinabi rin ng Coalition na dapat ay nagtatakda ang DTI ng kaukulang accreditation at maitenance standards sa mga motor service and repair shops o mga talyer pagdadating sa pagkumpuni ng mga kotse at motor.

Giit ng mga ito, walang programa ang DTI upang sanayin ang mga mekaniko ng mga kotse kaya sa halip na magawa ay lumalala pa ang sira na nakakadagdag pa sa polusyon ang ibinubugang usok ng mga ito.

Tags: , ,