Sampung high-powered firearms na isinilid sa isang balikbayan box ang nasabat ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang balik-bayan box na nakumpiska dalawang linggo na ang nakalipas ay nakapangalan sa isang Maiko Claridad at nagmula sa Amerika.
Recipient naman nito ang isang Leo Mendietta na taga-Bacolod city.
Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, nai-turnover na nila ang nasabat na mga baril sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.
Ang insidente ay nangyari ilang buwan matapos maisabatas ang Customs Modernization and Tariff Act kung saan tinaasan ang tax exemption ceiling para sa balikbayan boxes ng OFW.
Dahil sa pangyayari, mas magiging mahigpit ang gagawing pag-iinspeksyon ng BOC sa mga balikbayan box.
(Victor Cosare/UNTV Radio)
Tags: Bureau of Customs, Customs Commissioner Nicanor Faeldon, Ninoy Aquino International Airport