Mataas na pamasahe at pahirapang booking asahan na, kasunod ng gagawing deactivation sa 8,000 driver ng Grab

by Erika Endraca | June 6, 2019 (Thursday) | 7557
(C) Asean HR

MANILA, Philippines – Nakatakdang i-deactivate ng Grab ang 8,000 driver dahil walang hawak na Certificate of Public Convenience at Provisional Authority mula sa Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB).

Dahil dito posibleng tumaas ang pamasahe sa Grab at maaring maging pahirapan na rin ang pagbook ng biyahe sa mga susunod na araw.

“Para mabigyan ng pagkakataon ang Grab na magpaliwanag sa isyu ng deactivation why until now they are still deactivating while infact that should have been finished earlier”. Ani LTFRB Chairman, Attorney Martin Delgra III

Kasama rin sa sasagutin ng Grab sa LTFRB ang mga reklamo hinggil sa umano’y hindi nito pagbibigay ng discount sa pasahe sa mga senior citizen, estudyante, at Persons With Disability (PWD).

Samantala, simula sa June 10 muling magbubukas ang LTFRB ng 10,000 slot para sa mga nais na mag-operate ng mga Transort Network Vehicle Service (TNVS).

Ito’y upang mapunuan ang 65,000 supply cap na nauna nang itinakda ng LTFRB para sa mga TNVS.

Para sa mga interesadong aplikante, magtungo lamang sa tanggapan ng LTFRB o maari ring bisitahin ang kanilang website sa www.ltfrb.gov.ph

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , ,