Masterplan sa Boracay closure, muling kinuwestiyon sa pagdinig ng Senado

by Radyo La Verdad | June 21, 2018 (Thursday) | 5022

Dalawang buwan matapos isara sa publiko ang Boracay Island.

Ayon sa Boracay inter-agency rehab task force, sa 885 commercial structures, sampu rito ang na-demolish na dahil sa sari-saring paglabag. Nasa anim na libo na ring manggagawa ang nakinabang sa livelihood program ng pamahalaan.

Muli namang nakuwestiyon ni Senator Antonio Trillanes IV ang masterplan ng administrasyon sa Boracay.

Ayon sa senador, maaari namang isaayos ang sewerage system o anomang rehabilitasyon nang hindi isinasara ang mga commercial establishment.

Para kay Senator Trillanes, hindi pa rin sapat ang nagagawa ng pamahalan sa isla.

Ayon naman kay Senate Committee Chairperson Cynthia Villar, dapat busisiing mabuti ng Agrarian Reform Department ang pamamahagi ng lupa sa Boracay.

Upang maiwasan na ang nangyari sa Boracay, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, napapanahon na upang magkaroon ng isang body na mangangasiwa sa isla.

Buwan-buwan ay magsasagawa ng pagdinig ang komite ni Senator Villar upang makitang mabuti ang nangyayaring rehabilitasyon sa Boracay Island.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,