Mass Vaccination Drive sa Nov. 29 – Dec. 1, inirerekomendang gawing National Holiday

by Radyo La Verdad | November 11, 2021 (Thursday) | 5419

METRO MANILA – Inaasahang maglalabas ng pormal na kautusan o direktiba ang pamahalaan upang ideklarang national holiday ang mass vaccination drive na itinakda sa November 29, 30 at December 31.

Kaugnay ito ng nationwide vaccination day kung saan sabay-sabay itong isasagawa sa 16 na rehiyon sa bansa.

Kasama na rito ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

“We are recommending na magkaroon po ng either DOH circular, department circular or executive order to declare three consecutive days as a national holiday or “National COVID-19 Vaccination Days.” Ang conceptual framework po natin ay whole-of-society approach and whole-of-government approach.” ani NTF vs COVID-19 | Vaccine Czar & Chief Implementer Sec. Carlito Galvez.

Kikilos ang lahat ng ahensya ng pamahalaan katuwang ang pribadong sektor sa kampanya.

Makikibahagi rin ang lahat ng healthcare workers sa bansa kabilang ang mga pribado, pampubliko at mga self-employed.

“So ang objective po nito is to mobilize all stakeholders, people and logistics to facilitate the vaccination with COVID-19 vaccines of at least 15 million individuals in three days.” ani NTF vs COVID-19 | Vaccine Czar & Chief Implementer Sec. Carlito Galvez.

Samantala, tinawag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga bayani ang nagpabakuna o magpapabakuna na kontra COVID-19.

May patutsada rin ito sa mga ayaw namang makatanggap ng proteksyon laban sa sakit.

“Coinciding with our November 30 commemoration of Bonifacio Day. With this, we want to convey the message that every Filipino who will get vaccinated… lahat na pala, ang gustong sabihin dito sa gobyerno na ‘yung lahat nagpabakuna are heroes, lahat kayo hero. Iyong hindi nagpabakuna ‘yung mga pangit na p** — p* kayo. Huwag ninyo akong bigyan ng problema na ano.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa punong ehekutibo, dapat sa samantalahin na mababa ang COVID-19 cases sa bansa upang mapaigting ang pagbabakuna.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,