Dalawang daan at dalawang partylist organizations ang ni- raffle ng Commission on Elections ngayong araw para sa magiging pwesto o numero ng mga ito sa balota sa 2016 elections.
Hindi gaya noon na mano mano, automated ang isinagawang raffle kanina kaya mabilis na natapos.
Nakuha ng ang Bayaning Kawal at Pulis Incorporated ang number 1 spot at pumapangalawa ang Samahang Magbabasura Incorporated.
Paglilinaw ng COMELEC hindi pa pinal ang listahan dahil may mga nakabinbin pang usapin ang ibang partylist.
Sa dalawang daan at dalawang grupo, isang daan at isa lang ang aprubado na ng COMELEC.
Ang iba hindi pumasa ang aplikasyon para sa akreditasyon sa 1st and 2nd division ng comelec subalit nakapaghain ng motion for reconsideration upang maiakyat ang kaso sa COMELEC En Banc.
Target ng poll body na maresolba ang mga kaso bago ang December 25.
Kung tuluyang madidiskwalipika ang isang partylist group sa lebel ng COMELEC En Banc at hindi makakuha ng TRO sa Korte Suprema sa loob ng limang araw ay matatanggal ito sa listahan.
Kapag nangyari ito mababago ang pwesto o numero ng ibang grupo.
Noong 2013 unang isinagawa ang raffle upang madetermina ang pwesto ng isang parrylist group sa balota upang hindi otomatikong mailalagay sa unang pwesto ang mga grupong nagsisimula ang pangalan sa letter a o numero uno.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)
Tags: 2016 elections, COMELEC, partylist group