Mas nakararaming Pilipino, ayaw magbitiw sa pwesto si Pnoy – Pulse Asia

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 2389
sample-image-3
Photo grabbed from UNTVWeb.com

Marami pa ring Pilipino ang hindi sang-ayon na magresign si Pangulong Benigno Aquino III kahit na bumagsak ang trust at approval ratings nito ngayong unang quarter ng taon.

Batay ito sa survey ng Pulse Asia na isinagawa nitong Marso 1-7, 2015.

Sa 1,200 respondents na lumahok sa survey, 42% ang nagsabing hindi dapat magresign si Pangulong Aquino habang 29% naman ang nagsabi na dapat magbitiw sa pwesto ang Pangulo habang 28% naman ang wala pang desisyon dito.

Sinasabing dahilan ng pagbagsak ng ratings ng Pangulo ang nangyari sa Mamasapano operation at ang umano’y hindi pag-ako ng responsibilidad sa pagkamatay ng 44 na SAF troopers.

Nasundan pa ito ng napabalitang panawagan ng ilang obispo mula National Transformation Council (NTC) na bumaba na sa pwesto si Aquino.

Pero nitong nakaraang buwan ng Pebrero, nagtrending sa Twitter ang hashtag na #Noynoyparin na isinulong ni Bro. Eli Soriano ng grupong “Ang Dating Daan” na nanawagan ng pagsuporta kay Pangulong Aquino.

Tags: , , , ,