Isang malaking hamon para sa bagong pamunuan ng Department of Energy na pababain ang presyo ng kuryente.
Lalo na at isinusulong ng administrasyon ang paggamit ng renewable form of energy gaya ng solar at wind.
Ayon sa Energy Regulatory Commission, isa talagang hamon ang balansehin ang pagamit ng renewable energy at pagpapababa ng singil sa kuryente.
Sinabi naman ng DOE totoong mahal ang paggamit ng solar energy, subalit desidido si bagong DOE Secretary Alfonso Cusi na gawing mas mura ang singil sa kuryente.
Ayon kay Cusi babalansihin nila ang paggamit ng tradisyunal na pinagkukunan ng kuryente gaya ng coal at ang paggamit ng renewable energy.
Bagamat tutol ang bagong adminsitrasyon sa paggamit ng coal, hindi ito agad maaalis bilang isa sa pinakamalaking source ng enerhiya.
Nakahandang makipagusap si Cusi sa Department of Environment and Natural Resources upang makahanap ng solusyon na magamit pa rin ang coal na hindi masyadong nakaka apekto sa kalikasan.
Sa ngayon ay tuloy pa rin ang pagtatayo ng mga solar power plant sa bansa.
Plano rin na mas palawigin ang tinatawag na FIT o Feed in Tariff.
Ito ay isang component na sinisingil sa bill ng mga consumer kapalit ng mga itinatayong renewable energy gaya ng mga solar power plant.
Sa ngayon ay nasa 12 centavos ang fit-all charge na sinisingil sa mga consumer, tataas pa ito kapag mas maraming renewable energy na planta ang maitatayo.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)