Mas matinding bakbakan sa Marawi vs mga terorista, asahan ngayong linggo – AFP

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 2700


Mas matindi at mas madugong bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute-ISIS ang maaasahan ngayong linggo ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Paliwanag ni AFP Western Mindanao Command Chief Lt. Carlito Galvez Jr., isa-isa nang nakukubkob ng militar ang mga stronghold ng mga terorista.

Tulad na lamang ng pagkakabawi sa Mapandi bridge na mahalaga umano sa grupong Maute.

Ayon pa kay Galvez, nasa Marawi City pa rin sina Abdullah Maute at Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon batay sa mga nakukuhang impormasyon sa grounds.

Tinatayang hanggang sa pitumpung terorista na lamang ang nakikipagbakbakan ngayon sa tropa ng pamahalaan.

Tags: , ,