Mas mataas na security level, gagamitin sa website ng COMELEC para sa halalan

by Radyo La Verdad | March 28, 2016 (Monday) | 1312

COMELEC
Muling nagparamdam ang grupong Anonymous Philippines at sa pagkakataong ito ay ang website ng Commission on Elections ang inatake Linggo ng gabi.

Sa mensaheng iniwan sa defaced website ng komisyon, hinihiling ng grupo na ipatupad ng COMELEC ang security features ng mga Vote Counting Machine sa darating na halalan.

Lunes ng madaling araw naging functional muli ang COMELEC website subalit hindi pa rin agad nagagamit ang ibang applications nito gaya ng precinct finder, video demos at iba pang search functions.

Nanindigan naman ang poll body na walang dapat ikabahala ang publiko dahil walang sensitibong impormasyong nakalagay sa na hack na website.

Tiniyak naman ng COMELEC na mas mataas na security level ang gagamitin sa website na paglalagyan ng elections results ng darating na halalan.

Maging ang election system na gagamitin sa May 9 polls ay hindi rin basta basta mahahack.

Iginiit din ng COMELEC na gagamitin ang mga security features ng mga Vote Counting Machine kasama ang pag iimprenta ng voter’s receipt.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,