Mas mataas na PhilHealth benefits rates, ipatutupad na sa Feb. 14

by Radyo La Verdad | February 5, 2024 (Monday) | 1783

METRO MANILA – Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nitong Sabado, February 3, na ipatutupad na nito ang mas mataas na coverage rates sa karamihan nitong benefit packages sa February 14.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, inilabas ng kumpanya ang Circular No. 2024-001 na tumutukoy sa increase o adjustment.

Layunin aniya ng gagawing adjustment na mapababa o mabura ang mga balanseng binayaran tuwing nagpapaospital ang isang PhilHealth member.

Itinaas ng PhilHealth ang premium o kontribusyon ng miyembro mula 4% hanggang 5% ngayong taon.

Bagamat nanawagan na si Health Secretary Ted Herbosa para sa pansamantalang pagpapawalang-bisa ng pagpapatupad ng pagtaas, hindi pa nagpapasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa apela.

Tags: ,