METRO MANILA – Simula November 13, ipatutupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mas malaking multa na ang ipapataw laban sa mga motorista na lumalabag sa Edsa busway.
Batay sa resolusyon na pinagkasunduan ng Metro Manila Council, P5,000 ang ipapataw na multa sa unang paglabag o first offense.
Habang P10,000 , isang buwan na suspensyon ng driver’s license, at pagdalo ng road safety seminar naman ang ipapataw kapag second offense.
P20,000 naman sa ikatlong offense, na may kasamang 1 taong suspensyon ng driver’s license.
At P30,000 na penalty naman sa 4th offense, kung saan irerekomenda na rin sa Land Transportation Office (LTO) na revoke ang lisensya ng driver.
Sa ngayon, P1,000 lamang ang multa lamang ang ipinapataw sa mga lumalabag sa Edsa carousel, na nahuhulog sa violation na disregarding traffic sign.
Pabor naman dito ang ilang mga bus driver sa Edsa carousel, lalo pa’t nagdudulot ng malaking abala ang mga pasaway na private vehicles na pumapasok sa kanilang linya.
Tags: Edsa Busway, LTO, MMDA