Pabor si dating COMELEC Commissioner Lucenito Tagle na mabigyan pa rin ng pagkakataon ang mga kandidato at partido na makapagsumite ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE kahit tapos na ang itinakdang deadline para dito.
Subalit para kay Tagle dapat pagbayarin ng multa ang late filers.
Matatandaang ganito rin ang pananaw ni COMELEC Chairman Andres Bautista at maging si dating COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr.
Ayon kay Brillantes walang poder ang COMELEC kundi ang kongreso lang ang maaaring mag extend nakasaad sa batas na 30 day period pagkatapos ng halalan para sa pagsusumite ng SOCE.
Aniya hindi illegal ang gagawin ng poll body kung tatanggapin nito ang late filing kalakip ang multa.
Subalit para kay tagle panahon na rin para taasan ang halaga ng ipapataw na multa.
Nakasaad sa Republic Act 7166 na 1,000 hanggang 30,000 piso ang multa para sa mga hindi nakapagsumite ng SOCE sa unang pagkakataon.
Habang 2,000 hanggang 60,000 piso naman para sa mga hindi nakapagsumite ng SOCE ng dalawa o higit pang pagkakataon bukod pa rito ang posibilidad na sila ay hindi na pahintulutang makahawak ng posisyon sa gobierno.
(Victor Cosare/UNTV Radio)
Tags: dating COMELEC Commissioner Lucenito Tagle, Statement of Contributions and Expenditures