Mas mataas na multa at pagkakulong, ipapataw sa nagkakalat ng fake news sa Taiwan – MOI

by Radyo La Verdad | December 11, 2018 (Tuesday) | 19147

3 araw na pagkakulong ang kakaharapin ng sinomang mapapatunayang nagkakalat ng fake news sa Taiwan ayon sa Taiwan Ministry of Interior (MOI). Ito ay matapos magkaroon ng fake news na kumalat kasabay ng mid-term election noong nakaraang buwan sa Taiwan.

Ilang fake news din di umano ang galing sa China na naglalayong magdulot ng kaguluhan sa mga Taiwanese. Dahil dito ay naghain ng plano ang MOI na amyendahan ang Social Order Protection Act laban sa fake news.

Sa bagong batas, ang sinomang mapatunayang nagpakalap ng fake news na naging sanhi ng panic ng mga mamamayan ay mahaharap sa 3 araw na detention at multa na aabot sa 30,000 Taiwan dollar o 50,000 hanggang 300,000 o 500 libong piso.

Kabilang din sa planong palitan ay ang paggamit ng salitang “rumors” dahil sa malawak na konotasyon nito at mas dapat gamitin di umano ang “fake news” o “false information”.

Mas pag-iigtingin din ng pamahalaan ang pakikipag-ugnayan sa National Communications Commission at sa ibang ahensya upang mapangalagaan ang kapakanan ng publiko.

Samantala, pinangangambahan naman ng ilang dalubhasa na ang planong pag-amyendang ito ay makakasikil sa karapatan sa malayang pamamahayag lalo na sa internet.

 

( Amiel Pascual / UNTV Correspondent )

Tags: , ,