Mas maraming scenario ang inihanda ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa isasagawang metrowide shake drill ngayong araw.
Layon nito na mas maging makatotohanan ang gagawing earthquake drill.
Ilan sa mga scenario na gagawin ay ang kunwaring pagkasira ng Guadalupe bridge, derailment sa LRT line 1 Central station at looting scenario sa SM Mall.
Nanawagan ang MMDA sa publiko na makiisa dahil bahagi na rin ito ng paghahanda sakaling tumama ang isang malakas na lindol.
(UNTV RADIO)
Tags: metrowide shake drill
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com