Mas maraming pasahero, inaasahang mapaglilingkuran ng mas pinalawak na o DZR Airport sa Tacloban City

by Radyo La Verdad | March 19, 2018 (Monday) | 3359

Mas malawak, mas maayos at mas malinis na terminal building ang magagamit simula ngayong linggo ng mga pasahero sa Daniel Z. Romualdez o DZR Airport sa Tacloban City.

Ito ay matapos na buksan noong Biyernes ang bahagi ng paliparan na isinailalim sa expansion bilang bahagi ng “Build, Build, Build” program ng pamahalaan. Nagkakahalaga ito ng halos dalawampung milyong piso.

Kabilang ang DZR Airport sa mga napinsala sa pananalasa ng bagyong Yolanda noong 2013.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, mayroong labing lima hanggang labing pitong flights sa Tacloban araw-araw.

Pang pito anila ang Tacloban DZR Airport sa 10 busiest airport sa buong bansa.

Ayon sa CAAP mula 2015 hanggang 2017 nasa 1.2 million ang mga pasahero ng dumaan sa Tacloban Airport taon-taon.

Kaya malaking tulong ang proyektong ito upang mapaglingkuran ng mas maayos ang mga pasahero.

Samantala, plano naman ng Department of Transportation na sa August 2018, sisimulan naman ang bidding ng construction ng isang bagong airport ng Tacloban.

Dagdag pa ni DOTr Secretary Arthur Tugade, mas makakahikayat ng mga investor at turista sa rehiyon kapag maisaayos ang paliparan.

 

( Archyl Egano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,