Mas marami pang isyu, inaasahan na ni Sen. Grace Poe habang papalapit ang 2016 elections

by Radyo La Verdad | August 5, 2015 (Wednesday) | 1404

POE
Binalewala lamang ni Senator Grace Poe ang petisyon na ihahain sana sa Senate Electoral Tribunal na naglalayong patalsikin siya bilang Senador.

Inaasahan na ng Senadora na maraming isyu na ibabato sa kanya ukol sa isyu ng residency

Ayon sa Senador Poe nakahanda siyang ilabas ang mga dokumento tungkol sa kanyang citizenship.

Sa ngayong pinaka-iingatan nila ang mga dokumento upang di matulad sa nangyari sa kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr na na-forge ang birth certificate sa National Archives.

Nagtataka ang Senadora na tatlong taon na sIya sa Senado ngunit ngayon lamang naglabasan ang isyu sa kanyang citizenship.

Kasunod ito ng nabigong paghahain ng Petition sa Senate Electoral Tribunal kay Poe ni Lito David.

Ayaw ng Senadora na magbigay ng espekulasyon kung sino ang nasa likod ng protesta dahil ang mahalaga ay may karapatan ang bawat isa na makapaglingkod sa bansa.

October 20, 2010 nang magsimula sya bilang MTRCB Chair at October 21, 2010 ng nanumpa sa tungkulin sa nasabing ahensya.

Paliwanag ng Senadora wala syang ginamit na ibang pasaporte ng magrenounce nang pagiging U-S Citizen

Tiniyak ng Senadora na sa kabila ng mga isyu laban sa kanya ay hindi sya aatras sa kanyang laban para sa bayan bagamat minsan ay nakakaramdam din siya ng pagkapagod dahil sa pagharap sa mga kontrobersya.

Sa huli sinabi ng Senadora na wala pa rin siyang desisyon sa ngayon kung tatakbo o hindi sa 2016 elections

Nakarating na rin kay Poe ang imbitasyon ni Secretary Mar Roxas na magpulong sila ngayong araw.( Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: ,