Mas malinaw at mas matibay na Anti-Endo Bill, binubuo ng DOLE

by Erika Endraca | July 30, 2019 (Tuesday) | 7713

MANILA, Philippines – Binubusisi na ng Department Of Labor And Employment  (DOLE) ang bersyon ng Security of Tenure Bill na na-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa DOLE, layon nito na makabuo ng mas malinaw at mas matibay na bersyon ng Anti-Endo Bill alinsunod sa direktiba ng pangulo.

Kabilang sa lilinawin ang saklaw ng regularisasyon at pagbabawal ng labor-only contracting sa mga empleyadong direktang nagtatrabaho sa mga kumpanya. Plano nilang ilabas ito sa susunod na Linggo.

“Here has to be some nga specific or parameters in determining this.” ani DOLE  Usec.  Benjo Santos Benavidez.

Samantala, muling inihain ni Senator Joel Villanueva ang Senate Bill 806 o Anti Endo Bill na layong tuldukan na ang kontraktwalisasyon.

Walang pinag-iba ang nasabing bersyon  sa unang panukalang-batas na nai-certify ng pangulo bilang urgent bill na kinalaunan ay kaniya ring nai-veto.

“Kaya the same, because we wanted to find out from the president’s men or officials na nag-influence sa ating pangulo na i-veto ito para ipin-point nila anong particular provisions yung may problema sila.” ani Senator Joel Villanueva.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ikokonsidera nila ang mga bersyon na ihahain sa kamara at senado.

“We will get all of their inputs from their own version and on the basis of those we’ll come up with a version that we think will serve the purpose of the workers and the businessmen.” ani DOLE Secretary Silvestre Bello III.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,