Mas maiksing quarantine period sa OFWs, malaking tipid – DOLE

by Erika Endraca | July 8, 2021 (Thursday) | 8315

METRO MANILA – Obligado ang mga bakunadong OFW na uuwi sa Pilipinas na kumuha ng vaccine certificate mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa kanilang bansang panggalingan.

Ito ang kanilang ipakikita pagdating sa Pilipinas para maging 7 araw na lamang ang kanilang ilalagi sa mga quarantine facility imbes na 10 araw.

“Pag nadetermine nila na talagang bakundo yung ating mga OFW they can issue the certification” ani DOLE Sec. Silvestre Bello III.

Kailangan lamang dahlhin ng mga OFW sa POLO ang kanilang vaccination card, valid passport o travel document at verified employment contract.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, base sa IATF Resolution Number 123-C ay ang mga OFW na nabakunahan sa ibang bansa ay dapat na dala ang official documentation ng completion vaccination o ang kanilang international certificate of vaccination na na-validate na ng POLO.

Maaaring mag-apply ng validation sa pamamagitan ng One Health Pass portal.

Kailangan ding ang naiturok na bakuna ay kasama sa listahan ng mga bakunag nabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng compationate special permit sa FDA sa Pilipinas o kaya naman ay ng emergency use listing ng World Health Organization (WHO).

Ayon sa kalihim, malaking ang mababawas sa gastos ng quarantine sa mga OFW ngayong binawasang muli ng 3 araw ang kanilang ilalagi sa mga hotel.

“Malaking bagay sa OWWA dahil mababawasan yung gastos ng hotel quarantine, food, medicine, and to the OFW ang laking bagay yan sa emotional parte nila.” ani DOLE Sec. Silvestre Bello III.

Ayon sa kalihim nasa 605,000 na ang napauuwing OFW habang nasa 30-40,000 pa ang inaasahang uuwi na rin sa Pilipinas.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,