Mas maiksing oras ng trabaho para sa mga empleyado ng Bureau of Immigration, sinimulan na

by Radyo La Verdad | May 4, 2017 (Thursday) | 3302


Sinimulan na ng Bureau of Immigration ang pagpapatupad sa maikling oras ng trabaho ng mga empleyado nito.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, siyam na oras na lamang ang trabaho ng mga BI personnel na nakaassign sa main office gayundin sa field, extention at satellite offices.

Mula sa dating ala syete ng umaga hanggang ala-singko y media ng hapon, ginawa na itong alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon.

Ang nine-hour workday ay ipinatupad dahil sa problema sa overtime pay ng mga empleyado.

Tiniyak ni Morente na hindi maa-apektuhan ng pinaikling oras ng trabaho ang kalidad ng serbisyo ng ahensiya.

Tags: , ,