Mas mahigpit na restrictions, handang ipatupad ni Pres. Duterte sakaling tumaas ang COVID-Delta variant case

by Erika Endraca | July 20, 2021 (Tuesday) | 3686

METRO MANILA – Nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa naiulat na kaso ng COVID 19-Delta Variant sa Pilipinas, ang variant na unang natagpuan sa India.

“But ito more, its more vicious, its more aggressive, and fatal, so as of July 16 , the Department Of Health reported 16 new cases of delta variant in the country, that should give us put us a great concern” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Pangulo, handa siyang magpatupad muli ng mahigpit na hakbang upang maiwasan ang mass gathering na nagsisilbing super spreader event.

“Kung sakali man ito mag spread, I hope it will not then we’ll have to go again to stricter measures”ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Inatasan rin ni Pangulong Duterte ang Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police para sa mahigpit na pagpapatupad ng kasalukuyang protocol upang maiwasan ang pagkalat ng mas nakakahawang virus.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Ano, maglalabas sila ng memorandum para sa mga LGU kaugnay ng nararapat na paghahanda sa posibleng local transmission ng delta variant.

“Ating hihigpitan ang mga border controls lalo na ang mga international airports at seaports” ani DILG Sec. Eduardo Año.

Sa ulat naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Junior, nagpadala na sila ng mga bakuna sa mga lugar na may naitalang kaso ng delta variant.

“Because of the Delta we are redploying our vaccines to the Delta variant area of concerns in region 10, in NCR, in region 6 at yung mga ECQ at MECQ areas” ani Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Pinagaaralan na rin ng mga health expert kung kinakailangan pang paigitingin ang ipinatutupad na travel restrictions.

‘Sa kasalukuyan po ang ating mga experts ay pinagaaralan kung ang ating travel restrictions ay palalawigin natin kasama ang Malaysia at Thailand mr president’ ani DOH Sec. Francisco Duque III.

Sa kabila nito, ayon kay Health Secretary Francisco Duque, maayos pa ang lagay ng bansa laban sa delta variant.

“Sa ngayon kasalukuyan di hamak na mas maayos naman po ang ating kalagayan vis a vis Delta variant” ani DOH Sec. Francisco Duque III.

Dahil pa rin sa banta ng Delta variant, inirekomenda ng Metro Manila Manila mayors na suspendihin muna ang ginawang pagpayag ng Inter Agency Task Force on COVID 19 na makalabas na sa kanilang mga tahanan ang mga bata.

“Nagbotohan po kami kanina,kaming mga mayors, nagusap usap po kami at hinihiling po namin sa IATF na baka maaari yung polisiya ukol sa 5 year old pataas na baka pwedeng isuspinde muna sa Metro Manila” ani MMDA Chairman Benhur Abalos.

Wala pang desisyon ang IATF ukol sa naging rekomendasyon na ito ng mga alkalde sa Metro Manila.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,