Mas mahigpit na quarantine at travel restrictions, inirekomenda ng UP Octa Research Group

by Erika Endraca | March 9, 2021 (Tuesday) | 10881

METRO MANILA – Bagamat may mga nakalapat nang pag-iingat ukol sa travel restrictions sa bansa, inirerekomenda parin ng UP Octa Research Team na magkaroon ng mas mahigpit na protocols ukol dito dahil sa naitatalang mas mataas na kaso sa bansa partikular na sa Metro Manila.

Ayon kay Prof. Guido David, kailangang sumailalim sa re-evaluation ang international travel protocol dahil hindi ito naging epektibo sa pagpasok ng mga variant na unang natukot sa UK at South Africa.

Dapat makahanap ng paraan kung paano mapipigilan ang pagpasok ng iba pang uri ng virus na sinasabing mas mabilis makahawa.

“We’re not saying to have international travel ban, what we’re saying is the fact is the variants are here UK and South African variant and we did not prevent them from entering the country and this will disrupt our economy if we keep letting viruses from other country come in the Philippines kung makapasok yung brazilian variant that’s even worst nightmare than yung south african and yung uk vatiant” ani Prof. Guido David.

Bukod sa complacency o pagiging kampante ukol sa Covid-19, masyado rin aniyang minamaliit ng publiko ang kakayahan ng sakit dahil nakapag-adjust na ang mga frontline workers sa kung papaano lunasan ito at maging sa pagdating ng mga bakuna sa bansa.
Nangangamba naman ang grupo na malaki ang posibilidad na maulit muli ang paghingi ng time out ang mga healthcare worker oras na mapunong muli ang healthcare capacity ng bansa.

“Before, noong August umabot tayo ng average of 4500 cases in fact yung projection natin we’ll exceed that so we think na at that level baka humingi na nga ng time out yung mga healthcare workers natin if we let it run to 5000, 6000 cases per day it would be very critical for the country that’s why we’re sounding the alarm now” ani Prof. Guido David.

Nagpaalala rin ang grupo na mahalaga parin ang pag-iingat ng bawat isa lalo na sa pagsunod sa minimum health standards at upang maiwasan na ring umabot sa muling pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine restrictions sa bansa.

(Marvin Calas | UNTV News)

Tags: , , ,